Depressed

Friday, May 6, 2011
Share ko lang. Nakaka-depress dito sa bahay dahil palagi na lamang akong pinariringgan nina Mommy at Daddy na kesyo wala raw akong kaplano-plano sa buhay, bakit daw hindi ako nag-apply sa graduate program ng College of Economics ng UPD, bakit daw hindi ako nag-take ng ni isang law entrance exam sa kahit na anong university, blah blah blah! Eh anong magagawa ko, eh sa super lost na lost ako after graduation eh. Honestly hindi ko pa talaga alam ang gagawin ko sa buhay ko. After graduation parang tumigil na ang buhay ko. Ewan ko kung ako lang ang nakakaramdam nito. Kaya naman sa labis na sama ng loob ko, napagdesisyunan ko na mag-apply na ng trabaho sa kahit na saan na lang. Basta makalayas lang ako dito sa pesteng bahay na ito. Ayoko munang makita ang parents ko kasi kulang na lamang ay ipamukha nila sa akin yung mga nagastos nila sa akin. Letse! Ah ewan, hanggang dito na muna. Matutulog na ako bago pa ako makarining na naman ng kung ano mula sa parents ko.

1 comments:

  1. Anonymous said...:

    Hi Sabbie. Bakit ba ngayon ko lang nabasa to. Anyway, just want you to know na hindi ka nagi-isa. *hugs* Joanne. Ako. Jody. And I'm pretty sure marami pang iba. We felt the same (and I think I still feel the same--we still feel the same). Parang "life ends after graduation" ang drama. After nun, di mo na alam saan papunta career mo. No. I won't say "don't worry" dahil sa issue na to, talaga namang nakaka-worry. Pero may nagsabi sakin, "Wag mo madaliin ang buhay. Mabilis nga ang panahon pero di kelangang magmadali. Wag ka nga lang rin pepetiks. There's always a time for a certain thing." Bata pa tayo Sabbie! :3 Marami pa tayong matututunan. So let's not hurry. Kaya natin to. Haha. If you want to rant on me about this, it's okay. ^___^

Post a Comment