Kakagaling ko lang sa sakit. Kahapon pakiramdam ko ay parang mabibiyak na ang ulo ko sa sobrang sakit. Gustuhin ko mang pumasok ay hindi na talaga kaya ng katawan ko. Ni hindi nga ako makabangon. Nakakalungkot dahil ganado pa naman akong pumasok tuwing Martes at Biyernes dahil paborito kong mag-lecture yung propesor ko sa Econ116. Napakarami ko talagang natututunan sa bawat pag-upo ko sa klaseng iyon. Kaya nanghihinayang talaga ako. Kung ang pagpunta nga sa palikuran habang nagle-lecture siya ay pinanghihinayanagan ko na dahil baka may mga ma-miss akong trivia, iyon pa kayang pagliban sa klase niya. Pakiramdam ko tuloy ngayon ay napakarami ko talagang na-miss na mga importanteng bagay. Paano na lamang kung nagbigay siya ng mga importanteng trivia. May isang section pa nga ako sa notebook ko na nakalaan lamang sa mga trivia niya eh. May paper pa nga akong dapat ipasa sa klase niya kahapon kaso dahil nga sa sakto namang nagkasakit ako, hindi ko dapat maipapasa. Mabuti na lamamg at nandiyan ang napakabait kong kumpare na si Lousie. Siya ang nagpa-print at nagpasa ng paper ko. Napakaswerte ko talaga at naging kaibigan ko siya. I fee so blessed.
Sa tingin ko ang pagkakasakit ko ay bunga ng stress dahil halos hindi ako natulog upang paghandaan ang aking thesis defense. Kinabahan talaga ako ng sobra dahil pakiramdam ko ay hindi pa ako handa. Ngunit dahil kasama ako sa first set of presenters, wala talaga akong choice. Bunutan kasi ang nangyari kaya kahit papaano, fair naman ang naging proseso. Hay... sa ngayon ay hindi pa ako lubusang magaling mula sa pagkakasakit pero mabuti-buti naman na ang pakiramdam ko. Kaunting pahinga na lamang. Nagpapasalamat ako dahil nandito si Manang para ipagluto ako. Binigyan pa niya ako ng Biogesic dahil hindi nga ako makalabas para bumili. Napakabait niya talaga. Mabuti na lamang at mga mabubuting tao sa paligid ko para tulungan ako sa mga ganitong pagkakataon.
Sa ngayon ay magbabasa muna ako ng paborito kong libro, ang The Little Prince. Para lang ma-detoxify ako sa labis na stress na pinagdaanan ko. Pagkatapos ay kailangan ko ulit harapin ang reyalidad... papers, assignments, and responsibilities. :)
0 comments:
Post a Comment