People think that I'm a very independent person. But in reality, I'm not. |
Hay... isang malaking *sigh*. I don't know but I think I'm just wasting 99.9% of my valuable life sa ginagawa ko ngayon. Tama. Hindi talaga ako masaya sa aking trabaho pero ano bang magagawa ko? Eh halos minaniobra na ng parents ko ang future. Mula sa gagawin ko bukas hanggang sa huling sandali yata ng hininga ko eh nakaplano na. Nakakalungkot na parang wala man lamang akong magawa na talagang gusto ko. Noon akala ko pagkatapos kong mag-aral at makahanap ng gusto kong trabaho, malaya ko nang mamamanduhan ang buong buhay ko... pero hindi pa rin pala.
Minsan pumapasok sa isip ko and napakaraming "what ifs." What if umalis na lamang ako nang 'di nagpapaalam at pumunta sa lugar kung saan 'di na ako matutunton ng parents ko? What if sa lugar na iyon ay maghanap ako ng trabaho kung saan magiging masaya at kuntento ako? What if for once, hwag kong ibigay yung buong sweldo ko plus bonus sa parents ko? What if i-treat ko naman ang sarili ko gamit ang sweldo ko kahit isang beses lang? Pero hindi eh... kapag ginawa ko iyon, tiyak madi-disappoint ko ang parents ko. Malulungkot sila at siyempre... ako na naman ang masama.
I don't know. Maybe I just care too much. :(